Tuesday, August 10, 2010

World Trade Center, A Place To Make Business And Jolly Memories As well!

"Neng 3 days lang to, promise malaking raket, sure ka na ha? Sabihin ko na sa Boss ko"

A promise made by Eve one afternoon, hahaha, trying hard para maisama ako sa event ng company nila. Pilitan ito, pano ba namang hindi? July 23 isang napakalupit na hapon, umuulan, pabugso bugsong kulog, at paminsang dumaan ang kidlat, ayun napakahusay! Tinamaan yung internet namin, ang magaling, 3 mother board ng computer namin ang nasira, damay pati router at isang monitor, galing diba? Sermong umaatikabo, pano mo naman makukuhang gumala sa isang event kahit pa sabihing raket e, waaaaaah!

July 25, isang confirmation call, haha, kasi naniguro na ang lola ko nasasama ako, ginawan ako ng ID. Alangan padin, pero nung sinabi nya magkano per day ko ayun sumama na ko, hahaha, magkano? SECRET!

Fast forward, hay naku dumating ang unang araw. 3 days ang event, from July 29-31, 2010. Since hindi ako familiar where WTC is sa RCBC Plaza along Ayala Avenue sa Makati City kami nagkita. Haha, ang usapang 7 am na pagkikita ay nauwi sa 10 mins before 9, hahaha, malay ko ba namang napakalayo ng Makati sa Pangarap Village no! Oo alam ko malayo, pero ang layo pala, much more than i have expected. So Sorry na dun. Pagdating ng WTC, masaya na si Eve, kahit pa tinaga kami ni manong driver ng taxi sa pamasahe. eto nga pala yung plate number nya (txz 983), incase masakyan nyo, beware kay manong. Kaso pagdating dun, wala pa pala definite plan na gagawin at kung ano pa. So tendency naghanapan pa sila ng mga kasama nya at kung ano ano pa, so kami ni Eve lakad to max, hanggat may susundan. haha, ok diba? Sa sobrang kakasuod nga ni Eve sa kasama nya, pati sa CR muntik na syang sumunod e, ok lang sana, kaso lalaki yung kasama nya, hahaha! Katawa talaga yun. What's another funny thing happened is pumwesto kami ni Eve sa harap ng isang exhibitor din, me table at upuan. We sat there for about 20 mins, nung mapansin kami ng exhibitor sabay sabi "excuse me, this place is our's, so you supposed to be out!". Taray! Pero isa lang naisagot namin ni Eve sa kanya, ang aming magic words "mukha nya!". Hehe pero talikuran yun. Haha.

Then nung bandang hapon na, nakapwesto na kami ni Eve sa registration booth, kaso yung migraine ko sumumpong, natrigger kasi, di kasi ako kumain ng rice, yung rice na kinain ko nung umaga is around 4 am pa, tapos mga 3 kutsara lang. Kaya nung hapon di na ko makausap ng matino. Mukha na nga kong lukaret galing mental hospital e. Nung time na tapos na ang event during that day, di pa agad umuwi, nanermon pa yung boss nya kaya nadelayed kami, 7:30 na natapos yung meeting nila. At minamalas talaga that time, nung palabas na kami syang buhos ng malakas na ulan, with matching kidlat pa. Me migraine ka na, masama pa ang panahon! Shocks! So nung 9 pm ay nasa WTC pa kami, tinawagan na ni Eve parents ko, kaso di nila ko pinayagan makitulog kila Eve. Pero ayaw din pumayag ni Eve kasi kargo de konsensya nya daw ako. Hay bahala na, ending nakitulog din ako. Daan muna kami sa grocery, bumili ng undies, at ilang supplies.

July 30, second day, 9 am na kami nakapasok. Same thing, kaso pambawi ng sermon dapat madami kaming mapapasok sa seminar room para makinig ng seminar, at gumana ang powers ni Jirah at Eve, at umalingawngaw ang mga katagang "Sir/Maam, would you like to attend our seminar at the seminar room?". And from there madaming invites ang pumasok. Me memorable pa nga dun e, yung isang ininvite ni Eve, bumbay yun e kasi di gaano kagalingan mag tagalog. Nung una ayaw ayaw pa, pero nung binaggit ni Eve na may free meal, haha, pumayag ang loko, at after kumain umalis na. Pasaway talaga yun! Pero natawa kami sa kanya ha, mga light moments that made that day memorable. Pero di dun natapos ang lahat kasi nung third day bumalik sya, pero ganun padin, haha, kumain lang sabay alis, ang kulit diba? At talagang sinuswerte kami kasi nakakita si Eve ng food na may rice! What a good news para sakin na naghihina kapag di kumain ng rice sa isang araw diba?! Tapos i also bought my very first pearl earring. At syempre binigyan ko si B2 ng isang ring, compliment sa sout nyang bracelet, given by ate Myrna naman. At syempre at the end of the day naging maayos lahat. While pauwi kami ni Eve along Pasay road, may vendor dun sa may pasimano. Tinitignan namin ni Eve yung binebenta nya, mukha syang familiar pero di namin alam yung tawag. Tinanong ni Eve kung anong name nung binebenta nya, haha, usisa talaga kami diba? Sabi ni Manong, Mangosteen daw yun. Natawa kami, kasi alam namin yung name, pero hindi namin alam na sya na pala yung fruit na yun, haha! Syempre ask na din anong lasa nun, ayun di nakatiis si Manong ipinagbiyak nya kami ni Eve, haha. Di naman sorry si Manong kasi bumili si Eve e. At pagkatapos e sumakay na kami ng bus. At nakauwi ako samin, yes! Walang sermon, haha.

July 31 was the last day. Eve thought na di na ko makakabalik kasi baka nasermonan ako dahil di nga ako umuwi nung first day. Surprise, dahil tinawagan ko sya para sabihing im around, hehe, alam ko naman iisipin nya yun e. Hmm, kung kelan ba last day saka ako mawawala? Pero parang ang bilis bilis ng araw na yun, after mag meeting out na kami lahat, pero syempre nag date kami ni Eve after. nagpunta kami ng Glorietta Makati. Dinner at sempre moment namin namin yun.



Hay! sarap isipin talaga na kahit saang place and what time you can have wonderful memories, as long as you are being surrounded by people who are sincere, sincere na baliw! haha.