Minsan darating ka sa point ng buhay mo na mapapaisip ka, "deserve ko ba lahat ng nararanasan ko?" Yung tipong you feel na you are being misinterpreted or sadyang ayaw lang talaga sayo ng tao o mga tao. And bigla kang makakarinig ng isang kanta. Tapos magsisink in sayo yung meaning ng song.And somehow magbulay- bulay ka. What if one day mangyari ang mga bagay bagay, ano nga kaya yung magiging decision ko?
Minsan kasi kahit mabait ka naman, wala ka ginagawang masama, e di ka swak sa sitwasyon at pagkakataon, in an instant negative kana agad sa mga tao. Yun bang naunahan ka na agad ng bad vibes. Kaya kahit anong gawin mo ayaw na nila sayo or worst they are doing something against you behind your back. Tapos yung isang taong iniisip mong magiging knight in shining armor mo sa kanila kumiling. Sakit yun ah! Or nararamdaman mong 50-50 sya. Ouch! Sakit parin yun ah.
Tapos may biglang darating sa buhay na higit sa knight in shining armor mo at will give you something na di kaya ibigay ni knight in shining armor. Then si starnger ia-accept ka ng buong buo na walang bahid alinlangan sampu ng kanyang angkan. Mahal ka at mahal ang mga taong mahalaga sayo. Tapos Mamimili ka si knight in shining armor ba o si stranger.
Parang ang hirap na sitwasyon malagay sa ganun. Ang daming factor na iisipin. Pero what if nga dumating nga yung ganung moment? Tapos sasabihin nya sayo na "you're my evry reason, you're all that I believe in, with all my heart I mean evry word". Haaaaay! Sarap siguro nang ganun. Yung maikasal sa taong mahal mo at mahal ka, yung taong kaya ka ipaglaban sa lahat. Yung kaya kang ipagmalaki. Yung proud na proud sayo. Yung mahal lahat ng imperfections mo. At kayang harapin ang anumang pagsubok kasama ka. Yung di nag- aalinlangan sayo. Na kung ano ang sasabihin mo yun lang ang paniniwalaan nya. At kung ano ang napag-usapan nyo walang bitawan. Yung hindi ka pagdududahan. Hindi naman sya perfect pero you two will work on your imperfections. And will grow old together. Ang hopeless romantic lang. Pero still I believe in forever. Meron at merong ganung tao. Naniniwala akong may ganung klase ng relasyon. And above all center ng relasyon nyo ang Ama. Nakakainggit yung ganung klase ng relasyon. Sana pwede din sakin yun. Sana ako din may ganun.
Hugot pa more! Kung ano- ano naiisip ko. Nakakatawa ang random thoughts ko for this day. Eto ang napapala ng nag-iisa sa office.











