Sa buhay natin, may mga litanya tayong naririnig na nagiging malaki ang impact satin.Like sa akin, and i would like to share this qoutable qoutes sa inyo, baka tulad ko ma-inspire din kayo.
"do not memorize, understand it, because you will never forget something that you have understand"
- words from my professor in Asian Institute of Computer Studies, prof ko sya sa Accounting 1. very frustrated sya when he told us those words, kasi walang pumasa ni isa samin sa subject nya nung nagbigay sya ng prelim exam. As a result, kinausap nya kami what's wrong, ayun kasi sulat lang daw kami ng sulat, tapos memorize, dapat daw intindihin ang lesson. Mabait talaga si Sir after ya magsermon biigan na kami ng isa pang exam, awa ng Dyos, pumasa naman kami. By the way, his name is MR. JOEY OBOS.
"hindi lahat ng magaganda lang ang pupulutin mo, dapat kahit yung pangit. kasi malay mo maling tao ang makadampot, e kung ikaw kaya mong dalhin sarili mo, e kung natapat sa mahina, wala na, atleast ikaw kilala mo sarili mo"
-words from an evangelist, Bro. LITO FERNANDEZ. nabanggit na yan ng minsan may nabalitaan syang isang kakilala namin teenager na napapariwara dahil sa barkada at family problem. way nung teenager yun para maexpress nya yung sarili nya, kaya binilinan nya kami na mga kausap nya, since sa tingin nya strong naman daw ang personality namin.
"sige balewalain nyo lahat ng sinasabi ko, pero ito tandaan nyo, pagdating ng panahon, maalala nyo lahat ng sinasabi ko, baka sabihin nyo pa, tama pala si Sir!"
-eto naman word from my high school teacher, fourth year adviser, MR. ANTONIO BACONAWA. daldal kasi ng daldal ang klase habang nagle-lesson sya, ayun nanermon. while doing the sermon na wlang banlaw, nahalata nyang yung iba e walang interes sa pangaral nya, ayan ang quotable qoutes nya. And yes he is correct, rumihistro naman sakin yung mga pangaral nya, ewan ko lang sa mga boys namin sa likuran, haha.
"wag mong hanapin yung sarili mo sa ibang tao, ikaw yun e, iba naman sila"
-from my friend named Aly, i wonder kasi, yung ibang friend namin parang napakainsensitive, e ako di naman ganun sa kanila, sila parang wala lang, di nila iniisip kung may natatapakan sila or nakakasakit sila. kaya yan ang sabi nya.
"kung ang araw nga nagpaphinga at lumulubog sa dapit-hapon e, darating tayo dyan, lahat naman tayo nakakaramdam ng kapaguran"
-word from my greatest idol, MR. ROBERT SALAZAR JAWORKSI. this was during his interview way back 1998, that time kasi press were asking him, kelan ba sya magreretire.
Ilan lang yan sa mga qoutable qoutes na nagkaroon ng impact sakin. Next time, mga lines naman ng songs.
Au Revoir!












No comments:
Post a Comment