Thursday, September 2, 2010

Na Naman Ba? Hmp!

Hay bakit nga ba may mga taong di alam mag effort? Kulang ang effort. Bakit kaya ganun? Siguro kasi, busy sila, mas mahalaga yung gagawin nila kesa sayo, in short di ka number one sa mga priority, malamang nasa prority list ka pero hindi ikaw yung top most. E sino ka nga naman para maging top most sa prorty list nya noh? Asa ka? Bakit, sino ka ba?

Well, ikaw lang naman ang taong naglagay sa kanya sa top ng priority list mo. Sabagay kasalanan mo yun, di naman nya hiningi sayo na ipriority mo sya e. Malas mo lang di nya alam kung gaano sya kahalaga sayo, kung alam nya lang siguro. Kaso hindi nga e. At yun ang masakit! Yung tipong gusto mo na lang na tumigil sandali ang ikot ng mundo, tapos kainin ka na lang bigla ng lupa. Pag nangyari yun, ang tanong does he care about you? Saklap talaga. Malamang talaga he doesnt love you back the way you love him. Tsk tsk, mukhang failed uli ah? Akala naman kasi e. Hay! Kaso mukhang hindi, sayang dami mo pa naman plano para sa inyong dalawa. Pano yan di preno ka uli? Pause for a while, tapos sit back, and muni muni. Malamang ganun ang gawin mo. After that, you can go on, and do the things you supposed to do.

Well, goodluck naman sayo, of course you will make it, ikaw pa, ilang beses ka na nga nadapa? At natuto, yun naman e, natututo ka naman so charged to experience na lang ha? At least, it will make you a better person uli, better and better every experience, one day you'll see, youre the best na! Huh, in two years time, look back and see how far you have gone.

Ok na yan, tama na, masakit pero enjoy mo na lang yung pain, ganun talaga e. Basta totoo ka, yun yun! Go girl!

No comments: