Saturday, June 4, 2011

I Can't Find the Words. . . . . . . .

Hay nakakainis! Panget talaga yung ganitong pakiramdam! Yung tipong may gusto kang gawin di mo alam pano uumpisahan, may gusto kang sabihin pero hindi mo mahanap ang tamang salita. I want to write an entry kasi, actually, I suppose to post this since December last year pa, and yet di ko pa sya nasisismulan. There's the thoughts already, even yung mga details, but very time I'm turning my thoughts into words, every time na ita-type ko yung mga salita, pag binasa ko na, iba yung dating e. Its not the exact thoughts na gusto kong iparating sa makakabasa. So ginagawa ko, ihinihinto ko na lang. Kapag nasa mood na ko, binabalikan at ni-edit ko, pero dahil its really a mess, dinelete ko na lang. Gulo ko diba?

Eto pa, isang realization ang napagtanto ko ngayon lang. Stalk kasi ako ng stalk ng Fb account e, haha! Naisip ko lang, bakit may mga bagay na parang ok naman, pero bakit di pumu-pwede? Yung tipong kapag titignan mo yung sitwasyon mukhang smooth naman, pero dahil ipananganak ata ako para mag-imbestiga, ayun I decided to find out the answers for my Q's. And na-realize ko, kaya pala ayaw ni GOD, kasi kapag nangyari yun baka hindi sa ikakabuti ng isang part. Alam siguro ni Lord na hindi sya para dun. Yung tipong may mas HIGIT para sa kanya. Now I know! Naisip ko lang, sayang nga naman kasi, matino pa naman yung tao, baka mapariwara lang sya. Hmmm, "birds with the same feathers talaga, flocks together". Tama, she should stay na lang sa kung ano sya ngayon. MUCH BETTER!

So dahil lutang parin ako, nag-play na lang ako ng music, napagdiskitahan ko namang patugtugin ang "The Past" ni Ray Parker Jr. Kasabay nun, pumasok naman sa isip ko ang kasabihan na sinusunod ng karamihan na "past is past". Well, sino ba naman kasing nagsabing ang past ay pwedeng maging present at maging future? Wala naman diba? Sounds pilosopo pero totoo naman. Im totally against on that statement. Kapag ba sinabing past dapat na lang ibaon sa limot? Hindi ba dapat na ang past ay maging inspirasyon sa pagharap sa kasalukuyan at sa kinabukasan? Hindi ba dapat lang na alalahanin natin ang gunita ng nakalipas. Kasi kung hindi, di sana hindi na pinag-aaralan ang History. At sana ay dini-disregard din natin ang Biblia. E samantalang ang sabi ni Elias sa Noli Me Tangere, "alalahanin ninyo kaming mga namatay sa dilim" at di sana ay di na natin ginugunita ang pagkapako sa krus ni Hesu-Kristo? At pinaka magandang sabihing, di sana di na tayo nagbi-birthday, kasi ang pagkapanganak satin ay part ng nakaraan. E bakit pa kung past is past?

At isa pang nakakainis ngayong hapon, me load nga ako wala namang nagtetext back sa mga tinetext ko! Hay sayang ang ATXT20! For all network pa naman, tapos ang masama nyan kapag natulog na ko saka ang daming nagtetext. Minsan dis oras ng gabi nagigising ako 24 msgs recieved! Ay ano ba! Mas mabuti pa talaga ang mag-blog na lang. I wonder sa mga sinulat ko, may mga na-touched na kaya akong lives? Naging instrument na kaya ako ni GOD para medyo mabago ko yung tingin nila sa isang particular na issue sa buhay nila? Well, hope so!

Hay tama na nga! Kung ano ano na pinagsasasabi ko. Sana naman matapos ko na yung blog entry na gustong gusto kong i-post. Sana I will be ablw to find the words na.

No comments: