Hay last day na ng exam namin kanina. As usual, pagkatapos ng every class or event sa school, bonding time with my siblings. Although hindi kami complete, masaya parin. Originally were just five, but when we are already in the mall, may kasabihan nga, ang mga pakalat-kalat madaling makita, kaya yung isang pakalat-kalat nadampot namin sa gilid ng SM Fairview. :)
As always ang problema at tanong ng lahat, "San tayo kakain?" at syempre ang issue na napakahirap sagutin, "Anong kakainin natin?" Bakit nga kaya kapag magkakasama ang barkada, napakahirap pagkasunduan ang isang simpleng bagay? Unlike kapag mag-isa ka lang, kung anong nasa malapit sayo, talo-talo na. Pero kapag madami, ang tanong na "San tayo kakain?" ay inaabot ng mga kalahating oras bago mapagkasunduan? :)
Tapos tipong, babanat pa si Gelo ng "Magkano ba, check ko 'tong milyones ko sa wallet." Only to find out na bagong tig-bebenteng limang piraso lang naman! Makailang beses na ba nya kaming binanatan ng ganun? Yung tipong parang sya na yung masarap banatan! Buti na lang nakapagpigil si Clay. :)
At syempre, sa naipong koleksyon, nabuo ang isang hapunan. Hapunang nakakapanghina. :) Nakakatawang isipin, parang mga patay-gutom talaga kami pag magkakasama. Kahit anong dami ng pagkain, ubos! Dati masaya ko, kasi ako ang taga-ubos, not until Gelo came. Kasi nagkaroon ako ng kahati. :)
At dahil ang pizza na kinain namin kanina ay 8 slices lang, at anim kami, may maiiwang 2. Pero dahil andun yung boyfriend ni Hara, binigay ang isa sa kanya so may isang slice na lang. Sabi nga ng Prof namin sa Social Psychology na si Maam Trish, may tinatawag ang mga Pilipino na "Pakiramdaman system" :D Antayan sino unang kukuha nung natitirang slice. Pero dahil dapat equal ang lahat, at dahil mahal namin ang isa't-isa, hating kapatid dapat. Pantay-pantay! Kaya dapat tig-iisang kagat sa natitirang slice. Kaya ako na nagpauna. Sumunod si Gelo (magpapahuli ba naman sya? haha!) sumunod si Clay, may tatlong kagat pa, pero ang kagat na para kay Hara, binigay nya kay Gelo, kaya nakadalawa na sya, tig-isa pa lang kami ni Clay :( Pero dahil mahal ako ni Jen, ang kagat na para sa kanya at sa kasama nya ay napunta sakin. :D
Ayan ang last two bites na dapat ay para sakin, pero dahil mahal ko si Gelo, ang kagat na para sakin ay napunta sa kanya, in exchange, hindi ko sya masyadong binigyan ng marshmallow, haha! :P At dahil masyado syang matakaw, isinama namin sya ni Clay sa pinagkainan namin.
Infairness, keri padin ni Gelo. Kahit natabunan sya ng mga pinagkainan namin mukha parin syang basang sisiw, ay mali, cute pala! Pero kahit ganyan yan, love namin yan. Malapit na nga birthday nya e, kaya lalo namin syang minamahal lately. Haha! Pero parang wala lang e, walang effect!Kidding aside, mahal namin yan. He is always sincere with his words. Kahit na minsan mukhang hindi nakikinig sa sinasabi ko, deep inside ginagawa naman pala nya. He always listen to my stories kapag isinasakay nya ko pauwi sa kahabaan ng Lagro, dun sa may Loading & Unloading Zone. Haha! What I like most about him? Hindi sya pakitang gilas, instead of sharing his strong points, he prefer to tell those of the negative side of him. Yung pagiging pasaway nyang EX boyfriend. At yung pagiging sadista nyang Tito sa mga pamangkin. Buti na nga lang di ko sya naging Uncle! And masarap syang kausap. Good listener, actually, one of my biggest secret in life nga nai-share ko na sa kanya. Ganun na nga ata kami kakomportable sa isa't-isa. Kaya love ko yan kahit kaagaw ko sa pagkain. :)
At dahil sa Monday na ang birthday nya, gusto ko magwish. Sana anuman yung hinihiling nya sa birthday nya, SANA MATUPAD. Whether financial man or personal wishes. Because He only deserve the best things in life. Happy birthday Gelo! 3 words for you.
:)












No comments:
Post a Comment