Wednesday, July 25, 2012

Matakaw akong tao, halos lahat kinakain ko nga e.

Kahit nga "pride" kinakain ko kung kailangan. It's just so sad na there are times talaga na kung sino pa yung madalas mong kasama, yun talaga yung hindi pala talaga nakakakilala ng tunay na ikaw. Yung tipong they are too afraid to tell you your mistakes, if there is. They will hide it, eventually later on, malalaman mo na lang sa ibang tao. Or, they just pretend ok lahat and nothing is wrong, everything is smooth.

Nakakalungkot lang isipin na I thought they perceive me as transparent, na if they want to tell me something, one text away or msg thru fb and twitter lang ako. Pero hindi, there's a wall among us pala. For them pala, its hard to open up. To tell in front of my face na ganito ako, ganyan ako. They perceived me pala as "di tumatanggap ng mali."

Yung pakiramdam na, you thought "aaaah ok sila sakin, kasi wala naman sila nababanggit." Pero kaya pala wala sinasabi, kasi, totally, as in totally, its the other way around.

Masakit kasi, lagi sa ibang tao ko nalalaman. And one thing, sobrang malapit pa sakin yung mga taong nagrereklamo sakin ng ganun. Sad, kasi whenever I asked them naman, it seems nothing is wrong. Ang bigat lang sa loob.

Kung pwede na lang sana buksan na lang nila yung puso at isip ko para kahit di na ko magsalita, para makita nila yung totoo kong nararamdaman, yung purity and sincerity ng friendship na ino-offer mo sa kanila. Kaso hindi ganun yun e. Sobrang disappointing lang talaga.

Kumakain ako ng pride, tumatanggap ako ng mali, nagso-sorry ako kapag dapat. Sana makita din nila yun. Sana i-try din nila. Siguro nga this time around, I need to change, my approach, my personality, me as friend sa kanila, para somehow mabago naman yung perception nila towards me. Baka siguro ako nga yung may mali. Tsaka baka, ako lang ang nakakaalam na akala ko "transparent" ako. Yung tipong sakin talaga yung diperensya.

Ok sige, ta-try ko paglabas ng bahay namin, pagdating ko sa school. God, walk with me ha? Let's do this together, ikaw lang kasi nakakakita ng laman ng puso ko e. You know very well what's inside.

:'(

No comments: