Sunday, August 19, 2012

thoughts for the day

Darating ang time na mapapansin mo na lang na wala ka nang nararamdaman para sa isang tao na naging part ng buhay mo. Regardless of what kind of relationship you have had with that person. And when that time comes, mapapangiti ka na lang. Babalikan mo ang mga araw na pinagsamahan nyo, masasayang alaala na mapapangiti ka, kasama na din ang mga negative part. Pwedeng manariwa ang isang sugat, pwede rin naman maghilom. May mga bagay kang ginawa na nakakapagsisi, meron din namang paninindigan mo. Hindi dahil sa pride kundi alam mong TAMA ang naging desisyon mo. At the end of the day, anumang kinahinatnan ng iyong relasyon sa kanya, sa kanino mang tao, anong uri man ng relasyon ang namagitan sa inyo, may mga bagay na hindi na maibabalik, mga masasakit na salitang nabitawan, mga reactions na hindi naiwasan, kahit ano pa man yan, dapat mayron kang natutunan. Dahil ang buhay ay isang paglalakbay!


No comments: